Thursday, December 6, 2007

lamay para kay rene villanueva


si rene (naka-pink na polo) kasama ang humahanga't nagmamahal sa kanyang mga manunulat (mula kaliwa): charlson ong, vim nadera, luis gatmaitan, rio alma, joey baquiran, rayvi sunico, carla pacis, isabel kenny


ang lamay para kay rene o. villanueva ay sa room 306 ng sanctuarium, araneta avenue cor. quezon avenue.

ang kanyang mga labi ay ililipat sa hardin ng mga diwata sa university of the philippines, diliman, quezon city sa sabado ng umaga (disyembre 8, 2007).

binilin ni rene na masaya dapat ang kanyang lamay. kung bibisita kayo sa kanya, magdala lamang ng mga alaalang masaya. huwag magbabaon ng lungkot.

No comments: